Ang Malikot na Mundo ni Michael David
panayam ni Jerald Uy
Toot-toot-toot.
Ang susunod na babasahin ay rated SPG. Istriktong patnubay ng magulang ang kailangan. Maaring may temang maseselan at sekswal na hindi angkop sa mga bata at isip-bata.
Ang nakaraan….
Napakamot sa ulo si Michael David sa tsismis na may isang bigating manunulat na ayaw maugnay sa kanyang komiks sa isang ebook store. Bigla siyang natawa at tumakbo sa isip niya ang ganitong eksena…
Angry Author: (Calling Flipreads Office)
Filipino Ebook Store: Thank you for calling Filipino Ebook Store, good morning.
Angry Author: I don’t like it that my critically acclaimed book is previewed on your ebook store beside that Kubori Kikiam, it’s cheap!
Filipino Ebook Store: Hmm… Let’s see… Sir/Ma’am, it just so happens that your book and Kubori Kikiam are featured as new releases.
Angry Author: Is there a way to fix this so that my book won’t be beside that cheap book?
NOTE: Kathang isip lang ‘to, hindi totoong nangyari.
Commercial break muna.
Malikot ang imahinasyon ni Michael David, ang astig na manunulat at dibuhista ng Kubori Kikiam, kwentong pinagbibidahan ng mga pagkaing kalye. Pero ang mga pakikipagsapalaran nina Dodon, Manny at Benjo laban sa mga fishball at mga squidball, nagsimula sa araw-araw na pagtambay ng barkada niya sa fishball cart ni Mang Nestor o mas kilala sa UP College of Fine Arts na “Manong Fishball.”
“Pagkatapos ng klase sa Fine Arts, para makatipid, ‘dun na kami nag-memerienda or minsan tanghalian (5-peso fishballs + rice = SOLB). I guess, ang pinaka-inspiration talaga ng Kubori ay gutom,” kwento ni David.
Ang kaibigan niyang si Alfredo Rosales ang unang nakaisip ng konsepto ng mga naglalabanang street food. Si David naman ang nagdisenyo ng mga kikiam habang si Melvin Calingo (Pasig) ang bumanat ng mga fishballs at squidballs.
“Sobrang natuwa ‘yung comic group namin sa idea na nagsketch at naki-coceptualize kami ng mga characters at story arcs.”
Sinunggaban na ni David ang pagkakataon na makasali sa Culture Crash Comics nang mangailangan ito ng bagong kwento sa kanilang anthology.
Culture C(r)ash
“Masaya! Madalas puyatan at overnight, not necessarily dahil sa trabaho, hehe, pero masaya. Dito ako unang na-expose sa publishing at mainstream comic book production na may step by step process mula sa editorial meetings para matalakay yung kwento – the most important part – penciling and inking, digital colors, lettering hanggan sa pagbisita sa imprenta para makita yung proofs.”
Kung si David lang noon ang masusunod, gusto niya na puro mga nakakatawang kwento lang ang tinutukan niya sa Kubori Kikiam.
“Naalala ko, pagkalabas ‘nung issue 8 ng CCCom, sinabihan ako at si Ilog ni James during an editorial meeting na mag-focus sa origin ng kikiams. Nag-reply si Ilog na medyo seryoso and dark ‘yung origin ng Kikiams at Fishballs, matagal na kasi naming na-plot yun,” kwento niya.
“Sabagay, dahil may nailabas ng kwento na patungkol sa pinagmulan nila Dodon, Manny, at Benjo, ngayon makaka-focus na ko sa comedy skits at ibang story arcs.”
Pero dahil sa mga problemang pampinansyal ng Culture Crash, nabitin ang kaniyang kwento na balak sana niyang tapusin sa “isang final battle sa Japan!”
Pero tila ang problema noong nakaraang dekada, problema pa rin hanggang ngayon ng mga nagtatangkang maglabas ng comics sa magazine format.
“Naubusan ng pondo, nabuhay dati ang CCCom sa sales lang, which is unheard of sa mainstream magazine publishing dahil dapat sa advertising bawi ka na. Hindi rin nakatulong na mabagal ang balik ng sales.” ani David.
“Buhay pa siguro CCCom today kung may faith na dati ang mga advertisers sa comics. Hopefully, ngayon ay mas confident na sila.”
E-Kubori
Isang araw, nakatanggap ng email si David mula sa Flipside Publishing tungkol sa interes nila na kanyang komiks.
“Nung una hesitant ako, lalo na nung sinabi nila na dapat English dahil ilalabas yung ebook internationally. Kumuha ako ng “cream of the crop” strips (and by cream of the crop, I mean yung mga bastos, hehe), tinranslate sabay email sa Flipside para makakuha ng feedback. Ikinatuwa ko na positibo naman yung feedback at mas lalong ikinatuwa nung una kong nakita sa Kindle at Ipad yung Kubori strips. Parang bata na first time makalaro ng Playstaion, hehe,” kwento ni David.
Simula noon, pinalawak pa ni David ang mga kwento sa mundo ng Kubori Kikiam. Nariyan ang “The Melancholy of Edward Cordero,” kung saan tampok ang pagtulong ng mga kikiam na makalimutan ng dakilang alalay ang kanyang kasintahan. Mas malayo na rin ang temang tinatalakay sa Kuburi Kikiam kumpara noong huling labas nito sa Culture Crash.
“Oh, sa CCCom, bawal bold kaya ‘yun na ang pinakamalaking pagkakaiba,” sabi ni David, sabay tawa.
Komiks Cafe
Suki ang Kubori Kikiam creator sa mga coffee shop. “Mas mainam kung sa kapihan ko ginagawa dahil sa mahal ng kape, napupwersa ‘yung utak ko na maglabas ng mga ideas, jokes at story arcs para mabawi yung pinangkape,” giit ni David.
Payo niya sa mga comics artist: “Pinakamahirap i-drowing ang female breasts pero most rewarding ‘pag tama execution. Napaka-challenging ang pagguhit ng hubad na katawan lalo na’t discerning ang readers pag dating doon. They know their tits! Oh, and the fun part of writing/drawing sexy/raunchy scenes is the “looking at reference material” part (thumbs up).”
Tunay ngang malaki ang naiambag ni David sa industriya ng komiks at mahaba pa ang kanyang lalakbayin sa digital comics publishing.
“(Plano kong) i-convert yung ibang comic strip compilations to ebooks at magsulat at gumuhit pa ng masmadaming sex scenes!”
Now back to our regular programming…
Angry Author: Is there a way to fix this so that my book won’t be beside that cheap book?
Filipino Ebook Store: Uhm… By next week, there would be a new batch of featured books, so no need to worry about having your book beside Kubori.
Angry Author: Next week is too long!
Filipino Ebook Store: Hmm… have you tried viewing the books alphabetical order?
Angry Author: Hold on… (click click) Ah! Yes, there you go! Thank you!
—
About Michael David: Michael is currently developing Kubori Kikiam. Visit his DeviantArt account at http://kanal.deviantart.com to know more about him and his works. Or drop by at KOMIKON 2012 on Oct. 27, 2012 from 10:00 AM – 7:00 PM at the Bayanihan Center, Unilab Compound, Pasig City to get his signature, take a photo with him, or meet the Kikiams. Entrance ticket is P100.
—
Contact the Author at Twiter: @jeralduy or Facebook: KomiksReporter .