Komikon Organizers Interview Part 2 of 2
Transcript:
Bidz:
Okay, thank you ma’am again, maraming salamat po. Sir kita kita po ulit tayo. Ayos yan. Sana makapunta ako sa komikon. Sige po, thank you. Ingat po. Ayan po. Guys, napakadami natin artists fini-feature dito sa Astig TV. Uy, ano ito naiwan. Ano ito? Komikon presents sulyap. Guys! Teka lang, teka lang. Balik kayo dito.
….
Bidz:
May nakalimutan akong tanungin. Ano itong Sulyap na ito. Ok lang po ba pag-usapan muna natin ito? Napaka-mukhang okay itong pag-usapan. Napakarami kong nakikitang characters dito. Ayan. Kayo ba ma’am may part kayo rito?
Lei:
Uhm, personally ako wala. Pero kasi, itong Sulyap kasi, collection sya ng mga independent comic works. Since nung Komikon last 2005, we’ve invited mga independent comic artists usually mga college and graduates na ju-moin dun sa tiange namin so they publish their own comics. And then naisip namin na i-feature yung mga pinakamagagandang creations from the previous years. So eto ngayon ang produkto nun. Eight comic artists, eight stories, presented by Komikon: Sulyap.
Bidz:
Okay Ma’am Syeri kailan po ba natin ito balak kulayan?
Syeri:
Uh, okay. Well, budget-wise, it’s more expensive to print yung full color. Pero anyway, since we’re sticking to the independent theme, most of yung mga independent comics kasi mga xerox lang. So talagang black and white lang yung dating nga mga comics nila.
Bidz:
Pero eto yung hard cover no?
Syeri:
Yah okay, the cover is cool. Pero, so, ayon, so yun yung product namin, we stick to yung black and white para nga yung feel ng independent comics.
Bidz:
So 250 pesos po ito sir no?
Jon:
250 yan sa labas.
Bidz:
Gusto nyo po ba silang imbitahan na bumili, san sila makakabili nito?
Jon:
It will be launched sa November 13.
Bidz:
Ah wala pa’to.
Jon:
Wala pa yan, as in bagong bago.
Bidz:
Nabasa ko na hindi nyo pa nababasa.
Jon:
Wala pa yan. So sa November 13, sa Komikon. I-la-launch namin ang kauna-unahang libro ng Sulyap. Eight independent creators, eight independent titles, 165 of comic book awesomeness.
Bidz:
Wow, tska nabasa ay na-meet ko na itong sila Sir Gio, sila Mel Casipit, sila Ian… So sa pag launch naman Ma’am Syeri invite them again please sa Komikon.
Syeri:
Yah, ah, Komikon, November 13, Starmall. Plus may bonus kami. We have discounted price for the first 100 na pumunta sa Komikon. Originally the price is 250, pero the first 100, 150 pesos yung cost ng book for the first 100 who comes in.
Bidz:
Dun na ako mag-te-tent. Gabi pa lang andun na ako guys. Okay guys, maraming salamat po for being here. Kita kita po tayo ma’am. Eto pakamay po ulit, sir. Sir kamusta po, thank you. Sir Lyndon. Nakaka-starstruck naman. Komikon 2010 guys. Be there! Ang Astig TV will be there. So kita-kita po tayo. This is Bidz Dela Cruz, I’m out.